Wednesday, September 2, 2009

Minsang Sinabi ng Pantas (Part 7)




- Ang isang tao na wide reader maraming input na nakukuha, lalo na kung yung Biblia ang babasahin natin (ITG0703to0509)



- Ang Science ay lalong nagpapatingkad ng katotohanang sinasabi sa Biblia. (ITG0703to0509)



- Ang paggawa ng isang matalinong tao ay nasa kanyang kanang kamay. (ITG0703to0509)



- Ipakita natin na ang samahang sa Dios ay may pa paggawa ng mabuti. (ITG0703to0509)



- There are other sufficient proofs that we are of God, we should also be proven by God that we are his people. Believing that we are of God is not enough. (ITG0703to0509)



- Kung tayo ay Bayan ng Dios, dapat alam natin ang guide na binibigay N’ya sa atin sa hulang sinasabi sa Biblia na hindi natin dapat baliwalain. (ITG0703to0509)



- Ang isipin natin, sama-sama tayong maging bahagi sa pagtupad ng hula. (ITG0703to0509)



- H’wag tayong magsasawa na gumawa ng mabuti dahil para din ito sa ating sarili. (ITG0703to0509)



- Kung may gumawa sa atin ng masama, magpasalamat tayo. Dahil binigyan tayo ng pagkakataong magpatawad para patawarin din tayo. (ITG0703to0509)



- Ang paggawa ng kabutihan, hindi nagbubnga ng masama, ito ay nagbubunga ng mabuti na makaibayong buti, lalo na kung ang kabutihan na ito ay hindi ina-appreciate ng taong ginawan natin ng kabutihan. (ITG0703to0509)



- Sa mga pagkakatipon natin, nagaganap ang ating paglilingkuran sa isa’t-isa. Dito tayo nauudyok sa pag-ibig. Nakakapagtinginan tayo. (TG072709)



- Ang ating paghahanda ng sarili ay hindi lang tuwing nagpapasalamat, dapat sa bawat araw na bigay ng Dios ay makagawa tayo ng kalooban ng Niya. (TG072709)



- Hindi makakalinis ang aral kung hindi natin sasampalatayanan. Papaano tayo malilinis ng salita? Kung tayo ay sumampalataya. (TG072709)



- Ang may pag-asa sa puso, mare-realize natin na may mga bagay na kailangan nating gawin at hindi dapat gawin. (TG072709)



- Bakit ka basta susuko? Bakit mo hahatulan ang sarili mo? Sabi, mas dakiila ang Dios kaysa sa ating mga puso… H’wag nating hatulan ang ating mga puso. Kaya nga sabi ni Pablo.. hindi ba ninyo nalalaman, ang Dios ang umaakay sa inyo sa pagsisisi? Pag nakakaramdam tayo ng pagsisisi, inaakay tayo ng Dios non. Hindi puwedeng tayo na nga ang nasasakdal, tayo pa rin ang hukom... H’wag nating hamakin ang Kanyang kagandahang loob. H’wag nating limitahan ang kabutihan ng ating Dios. Bakit ikaw ang nagsasabi na hindi kana N’ya tatanggapin? H’wag tayo mawawalan ng pag-asa sa ating kalooban. Lumapit tayo sa Dios, instead na ituloy ang paggawa ng masama, H’wag nating pabayaang mawala ang pag-asa sa ating mga puso, dahil kapag nawala yan, hindi na nga tayo maglilinis. (TG072709)



- Magaganap ang paglilinis sa may pag-asa sa puso. (TG072709)



- Sa pagkakamali, minsan, ayaw na nating manalangin... hinahamak mo ba ang kagandahang-loob ng Dios? lumapit tayo sa Kanya. (TG072709)



- Every opportunity na makita natin, gumawa tayo ng mabuti sa lahat.... sa may nakakakita man o wala. (TG072709)



- Sa ating pagpapasalamat, ang tinatanyag natin ay hindi ang ating sarili, kundi ang kabutihan ng Dios sa atin. Ito ang dahil kaya tayo ay nagpapasalamat. (TG072709)



- Malilinis tayo dahil ang Dios na mismo ang lilinis sa atin. Ang kasalanan matatkpan ng pag-ibig mo. (TG072709)



- Ang pagbibigay ay pag-ibig. Kapag may pag-ibig ka, tatakpan na lahat ng kasalanan mo ng pag-ibig na iyon. Dios na mismo ang lilinis sa mga ksalanan mo, dahil may pag-ibig ka. (TG072709)



- Yung matuto lang tayo na maglimos at magbahagi ng natutunan natin mula sa Dios, lilinisin ka na ng Dios don, dahil ang pag-ibig mo na nagiging dahilan ng iyong pagbibigay, tatakpan nito ang karamihang kasalanan. (TG072709)



- At the end of everything, isipin natin na ang mangyayari pa rin ay ang gusto ng Dios. (TG071809)



- Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, nagbibigay ng pag-asa ang salita ng Dios sa Biblia. (TG071809)



- Ang salita ng Dios, hindi salita lang… may napapaloob doon. (TG080809)



- Ang isang Kristiano, hindi nagsasalita ng walang kahulugan. (TG080809)



- Pag Dios ang nagbigay, panghinayangan mo. (TG080809)



- Ang hirap ngayon, temporal lang. Mas maganda na mahirapan ngayon kaysa naman sa hinaharap mahirapan. Yung mga parusa ngayon parang ikalulungkot, pero dapat natin itong ikasaya. (TG080809)



- Sa ating mga paggawa, may kalaban ang mabuti, hindi puwedeng wala ‘yong mga balakid na nararanasan natin sa buhay. Laging may pang hadlang. Hindi naman titigil si Satanas sa kanyang trabaho e. (TG062009)



- Ang binibigay sa atin na pagkakataon ng Dios ay hindi pagkakataon para makagawa ng masama. (TG062009)



- Kahit sino pa ang nagpapakasangkapan sa masama… kamaganak mo, kapatid mo, H’wag ka pumanig don. Ang nagpapakasangkapan sa masama ay masama. (TG062009)



- Takot ka mawalan ng trabaho, pero hindi ka takot mawalan ng Dios? Mawalan ka na ng lahat ng bagay, h’wag ka lang mawalan ng Dios. S’ya ang nagbibigay ng lahat ng bagay, kung mawala man yang mga bagay na yan, bahala na ang Dios magbigay n’yan sa’yo. (TG062009)



- As we continue in faith, dapat maabot natin ang kapuspusan ng pangangatawan ni Kristo. (TG062009)



- May mga bagay na hindi na dapat sabihin pa sa ‘yo. Magagawa natin ito kung tayo ay kaisa ng Espiritu ni Kristo. Ito ang magpapalaaya sa atin sa kautusan. (TG062009)



- Maraming bagay tayong magagawa ng may pagkukusa, hindi na inuutos, hindi na ginigiya kung papano gagawin. (TG062009)



- May mga kusa ang tao na labag sa utos, sa kapatid na nakaalam ng aral ng Dios at natuto ng kabutihang asal, alam na natin kung labag sa Dios o hindi. Kung magkukusa ang isang kapatid, alam na kung it's within the limits of the law, we have the capacity to discern. (TG062009)



- There are things that we must voluntarily do that are pleasing to God. But it should be within the premises of the law. (TG062009)



- Bibigyan ka ng Dios ng chance na magpakatuwid kung gusto mong magpakatuwid. (WS062009)



- Dapat alam natin kung ano ang gusto natin, para lahat ng opportunity na dumating sa atin, alam natin kung ano ang ite-take natin. (WS062009)



- H’wag tayong magpapabaya sa pagkakatipon, dahil makikita tayo sa sitwasyon na makakapagpabaya tayo ng pagkakataon. (WS062009)



- Sa time na may makita kang tutulungan, you have to grab the opportunity, dahil ang pagkakita mo don sa tutulungan na iyon ay pagbibigay sa’yo ng opportnity para tumulong. Pagpapabaya sa opportunity ang hindi pagtulong. Nakita ka ng kaawa -awa, opportunity ‘yon para magbigay ng awa. Nakakiita ka ng dapat tulungan, opportunity ‘yon para ikaw ay tumulong. Tuwing pagkakatipon, opportunity ‘yon para sa’yo para makaganap ng tungkulin. (WS062009)



- Bawat pagkakataon na nakakakita tayo ng pangangailangan, hindi natin ito dapat pabayaan, dahil ito ay opportunity natin para gumawa. (WS062009)



- Every time na nakakita tayo ng kapatid na nagkukulang at hindi naman ito kasalanang ikamamatay, ito ay opportunity na binibigay sa atin ng Dios para ipanalangin itong kapatid na ito. Hindi ito opportunity na binibigay sa’yo para i-chismis mo ang kapatid mo o para ikaw ay makapanira ng kapatid mo. Ito ay para idalangin mo ang kapatid mo na nagkakasala. (WS062009)



- Tuwing may nagkaksala sa atin na kapatid, isipin natin, ito ay opportunity na binibigay sa atin ng Dios para tayo ay makapagpatawad ng kapatid. (WS062009)



- Ang Kristiano hindi mapagsamantala. (WS062009)



- Sa bawat pagkakataong nasasayang, ito ay kasalanan sa atin. (WS062009)



- Walang holiday sa pagdadala ng tungkulin, hindi puwedeng ngayong araw na ito ay Kristiano ka at bukas ay hindi. (TG071109)



- Ang isang lingkod ng Dios, yumayaon ng pasulong hindi paurong. Ang isang Kristiano, may improvement sa araw-araw ng kanyang buhay, for the betterment ng kanyang paggawa. (TG071109)



- Tignan natin ang mga bagay ayon don sa perspective na gusto ng Dios na tignan natin. (TG071109)



- Let's walk with faith in our hearts. Ang tignan natin ay ‘yong kay Kristo, h’wag yung troubles along the road. May mga madadaanan ka eh, kaya h’wag mo gawin sa paraan mo, gawin mo sa paraan ng Dios. (TG071109)



- DON'T DO IT YOUR WAY. Kasi sinabi naman yan sa Biblia, hindi natin maitutuwid ang ating mga hakbang. H’wag nating gawin sa paraan natin, better yet, gawin natin sa paraan ng Dios, sa kung paanong paraan na gusto N’ya. (TG071109)



- Dapat ay makita natin ang kahalagahan ng mga bagay na dapat nating pagpahalagahan. (TG071109)



- Ang taong mahirap ay maka-Dios. (TG071109)



- Kung gusto nating makatugon sa purpose ng pagkalalang sa atin, dapat h’wag nating kalimutan na may obligasyon tayong pagpalain ang ating mga kapwa, kahit na ang mga kumukutya sa atin. (WS071109)



- Kung gusto mong ikaw ay pagpalain, matuto ka ring ikaw ay magpala. (WS071109)



- Hindi natin kailangang ma-experience ang bagay-bagay para matuto, dahil kaya nga may mga nasusulat sa Biblia para sa ikatuto natin. (TG072509)



- Sa kagandahan ng tao, dapat ang unahin ay ang kagandahan ng kalooban. (TG072509)



- Every time na kailangan natin ang saltia ng Dios, naririnig natin ito. Dahil may Espiritu na nagpapapalala sa atin ng salita. (TG081509)



- Sa time na dapat nating mapakinggan, no matter how it hurts, gaano man ang nararamdaman natin, ang salita ng Dios andyan, kinakausap tayo. May sinasabi sa atin. Pakinggan natin. H’wag nating baliwalain, dahil ‘yon ang pagiging sa-Dios, ang tunay na tao ng sa Dios. (TG081509)



- Sa panahong ukol, pakinggan natin ang salita ng Dios. (TG081509)



- Ang pakikinig sa salita ng Dios sa panahong ukol ay nagbibigay sa atin ng maraming riserba, para sa panahong ukol ay pakinggan naman tayo ng Dios. (TG081509)



- Walang ibang pinakamabuting paraang ng pamumuhay kundi gaya ng pamumuhay ni Noe at Enoch, na lumakad kasama ang Dios sa lahat ng paraan, mayroon daily communication sa Dios. (TG081509)



- Ang pag-iibigang magkakapatid ay bahagi sa utos. Ang pagpapakita ng awa at ng pag-ibig. (WS081509)



- Papaanong masasabing umiibig sa DIos kung ang kapatid na nakikita natin ay hindi natin maibig. (WS081509)



- Kung mayroon kang dapat kaawaan at hindi ka naawa… aasahan mo ba ang isang kapatid ay pinananahanan ng pag-ibig ng Dios kung hindi s’ya naaawa? Kung gusto natin panahanan ng pag-ibig ng Dios, h’wag nating kalimutang magpakita ng pag-ibig ng Dios sa kapatid. (WS081509)



- Pag napanatag na tayo , mas madali ang paglilingkod. (TG082909)



- Hanapin natin ang kapanatagan para sa’yo ay mas maging maaluwan sa ating paglilingkod sa Dios. (TG082909)



- Every opportunity, h’wag mo pabayaan mag-lapse… kapag may chance ka mag-shoot ng bola, i-shoot mo na agad, bago pa mahadlangan. (TG082209)



- Dapat manatili ang lugod natin sa paglilingkod sa Dios. Pag nawala ang kaluguran sa paglilingkod sa Dios, dumating na sa’yo ang masasamang mga araw. (TG082209)



- Kahit gaano kasama ang pakiramdam natin o kahit gaano kasakit ng ating katawan, h’wag nating sasabihin na wala na tayong kaluguran sa paglilingkod sa Dios, dahil kapag nangyari ito, dumating na ang masasamang araw sa iyo. (TG082209)



- H’wag nating sayangin ang ating panahon.. a lifetime is not enough to serve God. (TG082209)



- Ang gusto ng Dios kahit mahirap, masaya tayo. (TG082209)



- Kahit sa gitna ng hirap, mga paguusig, mga kahirapan sa buhay at iba't-ibang pagsubok, dapat makita tayo ng Dios na naglilingkod na may kasayhayan, ito ang kahilingan gn Dios sa atin. (TG082209)



- Kung ang nararamadaman na kasiyahan sa paglilingkod ay dahil sa barkada, hindi ito ang hinahanap ng Dios. (TG082209)



- Ang hinahanap N’ya sa atin ay yung maglingkod na may kasayahan, na dulot ng Espiritu Santo. (TG082209)



- Mga kabataan, gayon din mga katandaan, pakita natin na tayo ay maligayang naglilingkod sa Dios, kahit sa pagkain, ipakita natin na mas mahalaga sa atin ang paglilingkod kaysa sa pagkain. (TG082209)



- Saan man tayo dalhin ng ating pananampalataya, dalhin natin ang ligaya sa ating paglilingkod. (TG082209)




0 comments: