Tuesday, November 3, 2009

One-liners from Kuya





"Simple things could give humongous relief."


"Simple solutions can solve complex problems."

"Pain teaches us the glory of God."

"Pain is love."

"Pain is a sign of life."

"Worries and fears are ways to prove and to be proven."

"Worries and fears build trust."


"A prayer is a simple solution to humongous problems."



meeting - Oct 24, 2009






Wednesday, September 2, 2009

Minsang Sinabi ng Pantas (Part 7)




- Ang isang tao na wide reader maraming input na nakukuha, lalo na kung yung Biblia ang babasahin natin (ITG0703to0509)



- Ang Science ay lalong nagpapatingkad ng katotohanang sinasabi sa Biblia. (ITG0703to0509)



- Ang paggawa ng isang matalinong tao ay nasa kanyang kanang kamay. (ITG0703to0509)



- Ipakita natin na ang samahang sa Dios ay may pa paggawa ng mabuti. (ITG0703to0509)



- There are other sufficient proofs that we are of God, we should also be proven by God that we are his people. Believing that we are of God is not enough. (ITG0703to0509)



- Kung tayo ay Bayan ng Dios, dapat alam natin ang guide na binibigay N’ya sa atin sa hulang sinasabi sa Biblia na hindi natin dapat baliwalain. (ITG0703to0509)



- Ang isipin natin, sama-sama tayong maging bahagi sa pagtupad ng hula. (ITG0703to0509)



- H’wag tayong magsasawa na gumawa ng mabuti dahil para din ito sa ating sarili. (ITG0703to0509)



- Kung may gumawa sa atin ng masama, magpasalamat tayo. Dahil binigyan tayo ng pagkakataong magpatawad para patawarin din tayo. (ITG0703to0509)



- Ang paggawa ng kabutihan, hindi nagbubnga ng masama, ito ay nagbubunga ng mabuti na makaibayong buti, lalo na kung ang kabutihan na ito ay hindi ina-appreciate ng taong ginawan natin ng kabutihan. (ITG0703to0509)



- Sa mga pagkakatipon natin, nagaganap ang ating paglilingkuran sa isa’t-isa. Dito tayo nauudyok sa pag-ibig. Nakakapagtinginan tayo. (TG072709)



- Ang ating paghahanda ng sarili ay hindi lang tuwing nagpapasalamat, dapat sa bawat araw na bigay ng Dios ay makagawa tayo ng kalooban ng Niya. (TG072709)



- Hindi makakalinis ang aral kung hindi natin sasampalatayanan. Papaano tayo malilinis ng salita? Kung tayo ay sumampalataya. (TG072709)



- Ang may pag-asa sa puso, mare-realize natin na may mga bagay na kailangan nating gawin at hindi dapat gawin. (TG072709)



- Bakit ka basta susuko? Bakit mo hahatulan ang sarili mo? Sabi, mas dakiila ang Dios kaysa sa ating mga puso… H’wag nating hatulan ang ating mga puso. Kaya nga sabi ni Pablo.. hindi ba ninyo nalalaman, ang Dios ang umaakay sa inyo sa pagsisisi? Pag nakakaramdam tayo ng pagsisisi, inaakay tayo ng Dios non. Hindi puwedeng tayo na nga ang nasasakdal, tayo pa rin ang hukom... H’wag nating hamakin ang Kanyang kagandahang loob. H’wag nating limitahan ang kabutihan ng ating Dios. Bakit ikaw ang nagsasabi na hindi kana N’ya tatanggapin? H’wag tayo mawawalan ng pag-asa sa ating kalooban. Lumapit tayo sa Dios, instead na ituloy ang paggawa ng masama, H’wag nating pabayaang mawala ang pag-asa sa ating mga puso, dahil kapag nawala yan, hindi na nga tayo maglilinis. (TG072709)



- Magaganap ang paglilinis sa may pag-asa sa puso. (TG072709)



- Sa pagkakamali, minsan, ayaw na nating manalangin... hinahamak mo ba ang kagandahang-loob ng Dios? lumapit tayo sa Kanya. (TG072709)



- Every opportunity na makita natin, gumawa tayo ng mabuti sa lahat.... sa may nakakakita man o wala. (TG072709)



- Sa ating pagpapasalamat, ang tinatanyag natin ay hindi ang ating sarili, kundi ang kabutihan ng Dios sa atin. Ito ang dahil kaya tayo ay nagpapasalamat. (TG072709)



- Malilinis tayo dahil ang Dios na mismo ang lilinis sa atin. Ang kasalanan matatkpan ng pag-ibig mo. (TG072709)



- Ang pagbibigay ay pag-ibig. Kapag may pag-ibig ka, tatakpan na lahat ng kasalanan mo ng pag-ibig na iyon. Dios na mismo ang lilinis sa mga ksalanan mo, dahil may pag-ibig ka. (TG072709)



- Yung matuto lang tayo na maglimos at magbahagi ng natutunan natin mula sa Dios, lilinisin ka na ng Dios don, dahil ang pag-ibig mo na nagiging dahilan ng iyong pagbibigay, tatakpan nito ang karamihang kasalanan. (TG072709)



- At the end of everything, isipin natin na ang mangyayari pa rin ay ang gusto ng Dios. (TG071809)



- Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, nagbibigay ng pag-asa ang salita ng Dios sa Biblia. (TG071809)



- Ang salita ng Dios, hindi salita lang… may napapaloob doon. (TG080809)



- Ang isang Kristiano, hindi nagsasalita ng walang kahulugan. (TG080809)



- Pag Dios ang nagbigay, panghinayangan mo. (TG080809)



- Ang hirap ngayon, temporal lang. Mas maganda na mahirapan ngayon kaysa naman sa hinaharap mahirapan. Yung mga parusa ngayon parang ikalulungkot, pero dapat natin itong ikasaya. (TG080809)



- Sa ating mga paggawa, may kalaban ang mabuti, hindi puwedeng wala ‘yong mga balakid na nararanasan natin sa buhay. Laging may pang hadlang. Hindi naman titigil si Satanas sa kanyang trabaho e. (TG062009)



- Ang binibigay sa atin na pagkakataon ng Dios ay hindi pagkakataon para makagawa ng masama. (TG062009)



- Kahit sino pa ang nagpapakasangkapan sa masama… kamaganak mo, kapatid mo, H’wag ka pumanig don. Ang nagpapakasangkapan sa masama ay masama. (TG062009)



- Takot ka mawalan ng trabaho, pero hindi ka takot mawalan ng Dios? Mawalan ka na ng lahat ng bagay, h’wag ka lang mawalan ng Dios. S’ya ang nagbibigay ng lahat ng bagay, kung mawala man yang mga bagay na yan, bahala na ang Dios magbigay n’yan sa’yo. (TG062009)



- As we continue in faith, dapat maabot natin ang kapuspusan ng pangangatawan ni Kristo. (TG062009)



- May mga bagay na hindi na dapat sabihin pa sa ‘yo. Magagawa natin ito kung tayo ay kaisa ng Espiritu ni Kristo. Ito ang magpapalaaya sa atin sa kautusan. (TG062009)



- Maraming bagay tayong magagawa ng may pagkukusa, hindi na inuutos, hindi na ginigiya kung papano gagawin. (TG062009)



- May mga kusa ang tao na labag sa utos, sa kapatid na nakaalam ng aral ng Dios at natuto ng kabutihang asal, alam na natin kung labag sa Dios o hindi. Kung magkukusa ang isang kapatid, alam na kung it's within the limits of the law, we have the capacity to discern. (TG062009)



- There are things that we must voluntarily do that are pleasing to God. But it should be within the premises of the law. (TG062009)



- Bibigyan ka ng Dios ng chance na magpakatuwid kung gusto mong magpakatuwid. (WS062009)



- Dapat alam natin kung ano ang gusto natin, para lahat ng opportunity na dumating sa atin, alam natin kung ano ang ite-take natin. (WS062009)



- H’wag tayong magpapabaya sa pagkakatipon, dahil makikita tayo sa sitwasyon na makakapagpabaya tayo ng pagkakataon. (WS062009)



- Sa time na may makita kang tutulungan, you have to grab the opportunity, dahil ang pagkakita mo don sa tutulungan na iyon ay pagbibigay sa’yo ng opportnity para tumulong. Pagpapabaya sa opportunity ang hindi pagtulong. Nakita ka ng kaawa -awa, opportunity ‘yon para magbigay ng awa. Nakakiita ka ng dapat tulungan, opportunity ‘yon para ikaw ay tumulong. Tuwing pagkakatipon, opportunity ‘yon para sa’yo para makaganap ng tungkulin. (WS062009)



- Bawat pagkakataon na nakakakita tayo ng pangangailangan, hindi natin ito dapat pabayaan, dahil ito ay opportunity natin para gumawa. (WS062009)



- Every time na nakakita tayo ng kapatid na nagkukulang at hindi naman ito kasalanang ikamamatay, ito ay opportunity na binibigay sa atin ng Dios para ipanalangin itong kapatid na ito. Hindi ito opportunity na binibigay sa’yo para i-chismis mo ang kapatid mo o para ikaw ay makapanira ng kapatid mo. Ito ay para idalangin mo ang kapatid mo na nagkakasala. (WS062009)



- Tuwing may nagkaksala sa atin na kapatid, isipin natin, ito ay opportunity na binibigay sa atin ng Dios para tayo ay makapagpatawad ng kapatid. (WS062009)



- Ang Kristiano hindi mapagsamantala. (WS062009)



- Sa bawat pagkakataong nasasayang, ito ay kasalanan sa atin. (WS062009)



- Walang holiday sa pagdadala ng tungkulin, hindi puwedeng ngayong araw na ito ay Kristiano ka at bukas ay hindi. (TG071109)



- Ang isang lingkod ng Dios, yumayaon ng pasulong hindi paurong. Ang isang Kristiano, may improvement sa araw-araw ng kanyang buhay, for the betterment ng kanyang paggawa. (TG071109)



- Tignan natin ang mga bagay ayon don sa perspective na gusto ng Dios na tignan natin. (TG071109)



- Let's walk with faith in our hearts. Ang tignan natin ay ‘yong kay Kristo, h’wag yung troubles along the road. May mga madadaanan ka eh, kaya h’wag mo gawin sa paraan mo, gawin mo sa paraan ng Dios. (TG071109)



- DON'T DO IT YOUR WAY. Kasi sinabi naman yan sa Biblia, hindi natin maitutuwid ang ating mga hakbang. H’wag nating gawin sa paraan natin, better yet, gawin natin sa paraan ng Dios, sa kung paanong paraan na gusto N’ya. (TG071109)



- Dapat ay makita natin ang kahalagahan ng mga bagay na dapat nating pagpahalagahan. (TG071109)



- Ang taong mahirap ay maka-Dios. (TG071109)



- Kung gusto nating makatugon sa purpose ng pagkalalang sa atin, dapat h’wag nating kalimutan na may obligasyon tayong pagpalain ang ating mga kapwa, kahit na ang mga kumukutya sa atin. (WS071109)



- Kung gusto mong ikaw ay pagpalain, matuto ka ring ikaw ay magpala. (WS071109)



- Hindi natin kailangang ma-experience ang bagay-bagay para matuto, dahil kaya nga may mga nasusulat sa Biblia para sa ikatuto natin. (TG072509)



- Sa kagandahan ng tao, dapat ang unahin ay ang kagandahan ng kalooban. (TG072509)



- Every time na kailangan natin ang saltia ng Dios, naririnig natin ito. Dahil may Espiritu na nagpapapalala sa atin ng salita. (TG081509)



- Sa time na dapat nating mapakinggan, no matter how it hurts, gaano man ang nararamdaman natin, ang salita ng Dios andyan, kinakausap tayo. May sinasabi sa atin. Pakinggan natin. H’wag nating baliwalain, dahil ‘yon ang pagiging sa-Dios, ang tunay na tao ng sa Dios. (TG081509)



- Sa panahong ukol, pakinggan natin ang salita ng Dios. (TG081509)



- Ang pakikinig sa salita ng Dios sa panahong ukol ay nagbibigay sa atin ng maraming riserba, para sa panahong ukol ay pakinggan naman tayo ng Dios. (TG081509)



- Walang ibang pinakamabuting paraang ng pamumuhay kundi gaya ng pamumuhay ni Noe at Enoch, na lumakad kasama ang Dios sa lahat ng paraan, mayroon daily communication sa Dios. (TG081509)



- Ang pag-iibigang magkakapatid ay bahagi sa utos. Ang pagpapakita ng awa at ng pag-ibig. (WS081509)



- Papaanong masasabing umiibig sa DIos kung ang kapatid na nakikita natin ay hindi natin maibig. (WS081509)



- Kung mayroon kang dapat kaawaan at hindi ka naawa… aasahan mo ba ang isang kapatid ay pinananahanan ng pag-ibig ng Dios kung hindi s’ya naaawa? Kung gusto natin panahanan ng pag-ibig ng Dios, h’wag nating kalimutang magpakita ng pag-ibig ng Dios sa kapatid. (WS081509)



- Pag napanatag na tayo , mas madali ang paglilingkod. (TG082909)



- Hanapin natin ang kapanatagan para sa’yo ay mas maging maaluwan sa ating paglilingkod sa Dios. (TG082909)



- Every opportunity, h’wag mo pabayaan mag-lapse… kapag may chance ka mag-shoot ng bola, i-shoot mo na agad, bago pa mahadlangan. (TG082209)



- Dapat manatili ang lugod natin sa paglilingkod sa Dios. Pag nawala ang kaluguran sa paglilingkod sa Dios, dumating na sa’yo ang masasamang mga araw. (TG082209)



- Kahit gaano kasama ang pakiramdam natin o kahit gaano kasakit ng ating katawan, h’wag nating sasabihin na wala na tayong kaluguran sa paglilingkod sa Dios, dahil kapag nangyari ito, dumating na ang masasamang araw sa iyo. (TG082209)



- H’wag nating sayangin ang ating panahon.. a lifetime is not enough to serve God. (TG082209)



- Ang gusto ng Dios kahit mahirap, masaya tayo. (TG082209)



- Kahit sa gitna ng hirap, mga paguusig, mga kahirapan sa buhay at iba't-ibang pagsubok, dapat makita tayo ng Dios na naglilingkod na may kasayhayan, ito ang kahilingan gn Dios sa atin. (TG082209)



- Kung ang nararamadaman na kasiyahan sa paglilingkod ay dahil sa barkada, hindi ito ang hinahanap ng Dios. (TG082209)



- Ang hinahanap N’ya sa atin ay yung maglingkod na may kasayahan, na dulot ng Espiritu Santo. (TG082209)



- Mga kabataan, gayon din mga katandaan, pakita natin na tayo ay maligayang naglilingkod sa Dios, kahit sa pagkain, ipakita natin na mas mahalaga sa atin ang paglilingkod kaysa sa pagkain. (TG082209)



- Saan man tayo dalhin ng ating pananampalataya, dalhin natin ang ligaya sa ating paglilingkod. (TG082209)




Monday, June 15, 2009

Minsang Sinabi ng Pantas (Part 6)


- Kung alam mo nang kailangan na mag-rush, hindi puwedeng relaxed ka lang, at parang bale-wala ang mga pangyayari. Kung malapit na ang mga bagay na ating pinaniniwalaan, dapat may sense of urgency, kung papaanong sinabi sa atin na samantalahin natin, dapat may ipinapakitang pagmamadali. May opportinity na dapat i-grab. Ang nagmamadali, hindi slow motion. (TG041809)


- Mga kapatid, tayo ay nasa isang panahon na dapat nating samantalahin ang mga pagkakataon. We can never tell kung tayo ay kukunin na bukas. (TG041809)


- Hindi mahalagang makaramdam ng sakit ng kalooban at hirap; ang binibigyan ng priority ng isang Kristiano ay ang pagsunod sa utos ng Dios. (TG041809)


- May pagtitiis mga kapatid. Kasi pag gumagawa ng kalooban ng Dios, mayroon kang isasa-isang tabi. May mga bagay kang hindi 'yon ang ipa-prioratize mo. There are
sacrifices... Sacrifces na kailangan sa isang lingkod ng Dios na nag-iibig na maligtas. (TG041809)


- Wala tayong puwedeng isumbat sa utos ng Dios na makakasama sa atin. Laging may logic sa utos ng N'ya. Ang Dios ng katotohanan, walang masamang sasabihin 'yon…walang
kasinungalingan doon. Kahit sa standard ng logic, common sense at maging ang Science hindi lalabag ang salita ng Dios. Pagdududahan pa ba natin ang Dios ng katotohanan?
(TG041809)


- Pasado ang salita ng Dios sa lahat ng standard. (TG041809)


- Pag nakita mong mali, bumalikwas ka, umalis kana doon! (TG041809)


- Pag ang Dios ang nagsalita, mangyayari ito sa perfect timing. (TG041809)


- Pag nakita mo ang opportunity, gawin mo na agad. (TG041809)


- Kung tatalikuran mo ang masama, hindi na dapat unti-unti, ginagawa yan ng mabilis. Dapat total change. Dapat wala tayong traces ng nakaraan. (TG041809)


- Pinapa-grab sa'tin ang pagkakataon na makagawa ng mabuti dahil may kalaban na gumagawa ng masama para ikaw rin ay makagawa ng kasalanan. (WS041809)


- It's a spiritual wisdom. Bakit sa kadalasan ay mas madali gumawa ng kasalanan? Gumagawa lagi ng paraan at nagbibigay ng resources si Satanas para makagawa tayo ng
kasalanan. Kaya ang dapat gawin ng lingkod ng Dios ay samantalahin ang pagkakataon sa paggawa ng mabuti. (WS041809)


- Meron tayong kalayaan, pero hindi ksama sa kalayaan natin na paglaanan ng panahon ang laman at kalayawan. (WS041809)


- Understanding gives us obligation. (WS041809)


- Sa pagtupad ng utos ng Dios, magkakatulong ang buong katawan, dahil tayo ay sangkap ng katawan, at bilang sangkap, dapat magkakatulong tayo sa pagtupad ng ating mga tungkulin at sa pagdadala ng ating mga pasanin. (TG042509)


- Ang paglilingkod sa Dios ay nagi-improve for the best. 'Yon ang isang pattern ng naglilingkod. Hindi tayo dapat paurong... dapat tayo ay yumaon ng pasulong.(TG042509)


- Ang katigasan ng ulo ay nanggagaling sa katigasan ng puso. Ang mga may masamang puso, yumayaon ng paurong, hindi pasulong. (TG042509)


- Bawal sa lingkod ng Dios ang bobo.. sabi ng Biblia huwag maging mga mangmang. (TG042509)


- Ang marunong o pantas, pag napagsabihan, 'yon ay natututo. Pag ang pinagsasabihan ay mangmang, ipagtatanim ka, nagagalit. Ang pantas pag pinagsabihan, mas lalong
magiging pantas. (TG042509)


- Ang pantas, masaya pag natuturuan at napagsasabihan ng mga dapat gawin. (TG042509)


- Ang expectation sa loob ng ID ay tayo ay tinuturuan sa paggawa ng mabuti at tayo naman ay natututo. (TG042509)


- Hindi puwedeng nasa gitna ka lagi, dapat alam mo kung saan papanig. Huwag 'yung laging playing safe. (TG050209)


- Pagmamahal mo sa kamaganak at sa kaibigan mo ang paglalagay sa kanila sa tama. (TG050209)


- Ang pagpapakalalake ay ang pagtanggap sa harap ng Dios na ikaw ay walang kuwenta. Ang lalakeng sa Dios ay marunong tumanggap ng kaniyang kababaaan. (TG050209)


- Wala tayo dapat gawing pagpapahalaga sa ating sarili; Dapat ang pagpapahalaga ay maibalik natin sa Dios. Ito ang pagtanggap ng tunay na pagpapakalalake. (TG050209)


- The real meaning of being a man is accepting that you are nothing and you are not worthy in the presence of God. that is man. It's being strong and steadfast in faith. Do not belive in yourself... trust in God. That is proving that you are a man. (TG050209)


- Ang pagtitiis, built-in yan sa buhay ng isang Kristiano. Meron talagang mga pag-uusig tayong titiisin, mga bagay na masasabing dala-dalahin sa buhay na ito. Kaya utos sa atin ang pagtutulung-tulong. (TG050909)


- Ginigising ng mangangaral ang sense of shame ng isang kapatid. Napapayuhan tayo. (TG050909)


- Ang pagiging neutral ay defense ng hypocrite. Take your stand! Kahit sino pa ang magalit sa 'yo, basta ang sinasabi mo ay totoo ok lang! (TG050909)


- May behavior o karampatang paguugali sa bahay ng Dios, hindi puwedeng ang ugali mo ang paiiralin mo. Hindi puwedeng ang sasabihin mo ay 'ganito ako'. Pag ikaw ay papasok sa ID at makikisama ka sa mga banal, may certain behavior na dapat makita sa 'yo. (TG050909)


- Pag ang usapan ay sa Dios, kahit yung karapatan mo na, dapat alam mong iliko at baliin 'yon. Alam mo dapat mag give-in para sa gusto ng Dios at marapat para sa 'yo. Hindi mo ipipilit ang sa 'yo, dapat ay kung ano ang gusto ng Dios.


- Ang nagkukusa, katiwa-tiwala sa Dios. (TG050909)


- Humanity is the product of God's love. (TG050909)


- Lagyan natin ng pamigkis ang ating isip. Huwag kung anu-ano ang mga kinakatha ng isip mo. (TG050909)


- Ang naghihintay sa pagbabalik ni Kristo dapat mabuhay na may pagpipigil, may self-control. (TG050909)


- Ang Kristiano, kahit na kumikita, hindi inuubos ang pera sa pagkain.(TG050909)


- Ang gagawin mong mabuti, para rin 'yon sa sarili mo, kaya mo gagawin ang isang bagay dahil alam mong ito ay mabuti, at para rin sa 'yo 'yon. (TG050909)


- Kung gagawa tayo ng mabuti sa ibang tao, hindi natin ito dapat ipautang, dahil alam natin na iyon ay mabuting gawa. (TG050909)


- Every act na ginawa natin sa kapatid, sa isang tunay na kapatid, si Kristo na mismo ang recipient ng gawa na 'yon.. pag minahal mo ang isang kapatid, si Kristo na mismo ang minahal mo. (TG050909)


- Kung gusto nating huwag malihis sa Dios, dapat alam natin ang kanyang language at kung papaano sya nakikipag communicate . (TG051609)


- Ang magagawa ng Dios, iba sa magagawa ng tao. (TG051609)


- Always think that you are still green.. coz if you're still green, you'll keep growing. But if you believe that you're already ripe you'll start to rot. (TG051609)


- Ang may mabuting budhi ay binibigyan ng Dios ang pagkaunawa. (TG051609)


- Let's not base our beliefs on science, let's base our belief on the Bible. It is the source of every truth that is being discovered by science. (TG051609)


- Ang kinakausap ng Dios ay yaong mga hindi S'ya tini-take for granted.(TG051609)


- No one can question God, if He chose someone to be saved, we can't contest that, it's His will. (TG052309)


- Masarap maghintay kung ang hinihintay mo ay katotohanan. (TG052309)


- Dapat nating ma-realize, dapat natin lalong ibandila ang salita ng Dios ngayon. (TG053009)



- Ang aral ng Dios ang dapat nating sundan, dahil ito ang ikapagiging dapat natin sa Dios.(TG053009)



- Ang taong may takot sa Dios, alam nya kung saan ilalagak ang isip nya. (TG053009)


- Kung may nare-retain sa isip mo na salita ng Dios, every time na makikipagusap ka, puro mga nakasulat sa Biblia ang sasabihin mo; magiging part ito ng ating buhay.
(TG053009)


- Having the Word of God in our lives and hearts will bear its fruits in us. (TG053009)


- Ang ating pagbibigay ay dapat disiplinado ng pagtalima sa Dios. (TG053009)


- Ang katotohanan ay hindi dahop sa kinauukulan. (TG053009)


- Pag nagtatagumpay, isipin mo na sa Dios ang pagtatagumpay. (TG053009)


- Kahit mahina at maliit tayong tao, sa awa ng Dios ay nakakapagpatuloy dahil tayo ay sinasamahan ng Dios. Kahit maliit, pero may kasamang Dios, talo pa rin ang malalakas at makapangyrihan. (TG053009)


- Ang tao ng Dios hindi tanga. (TG060609)


- May pagkukulang ka, bakit ka magpapakasama ng husto? Yan ang gusto ni Satanas na mangyari sa 'yo.. ang ilugmok ka para ikaw ay makakampi n'ya.. pero hindi ito ang gusto
ng Dios.. dahil ang gusto N'ya magbalikloob ka, nauunawaan ka ng Dios. (TG060609)


- Dahil sa ating pagtitiis, nakilala natin ang tunay na Kristo, ito ang ating consolation. (TG060609)


- Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Dios. (TG060609)


- Ang tumatanggap ng aral, nagbabago 'yon, nagta-transform. (TG061309)


- Every time na makakapakinig ka ng aral, yung efficacy non, nagibibigay sa atin ng kapayapaan.(TG061309)


- Ang matalinong tao ay hindi maglalgay ng isang bagay na walang silbi sa kayang ginagawa, gaya ng paglalagay ng Dios ng ating sangkap sa katawan. (TG061309)


- Kahit na gaano kawalang-kuwenta, mahina, walang pinag-aralan, mababa ang isang kapatid, hindi natin puwedeng sabihin na hindi natin sila kailangan... tayo ay may kailangan sa isat-isa. (TG061309)


- Dapat nating maunawaan na mayroon tayong pangangailangan sa iba, kahit gaano pa sya kaliit. (TG061309)


- Ang kapatid na nakalubog ang paa... hatakin natin, iligtas natin. Ipinapakita sa atin na kailangan natin ang bawat sangkap. Bilang sangkap ng katawan, kailangan natin ang isat-isa. (TG061309)


- Ang pagmamahal sa bawat isa, kahit na liability, kahit na mahina, dapat mahalin, dapat tanggapin. We have to face it, meron tayong pananagutan sa isat isa.(TG061309)


- Hindi baleng maubos ang pera at kayamanan, makasunod ka lang sa utos ng Dios.


- We now have great responsibility before us. We believe that we are the instruments of God to others, and our responsibilities are getting bigger. It's now global. (TG061309)


- Learning to love those who cannot love us is a way to perfection, God has taught us that.(TG061309)


- Let us not look for the material payments that we can receive from doing good. The reward promised by God is not receivable all in earth. (TG061309)


- To learn to care for those who have nothing, or those are regarded as the ugly parts of the body, to learn how to receive the weak in faith, and to learn how to care for all of them, is a way to perfection. (TG061309)


- Para sa Dios, ang pinakawalang-kuwentang tao sa lipunan ay mahalaga sa Kanya. Kaya kung matuto tayong magpahalaga sa mga taong ito, parang nailagay na sa atin ang
katangian at virtue ni Kristo. (TG061309)


- Ang paggawa ng mabuti ang magbibigay ng passes para mapunta sa langit, hindi ito puwedeng mawalang kabuluhan. (WS061309)


- Kung kay Kristo ka dapat marunong kang magipon ng mabubuting gawa. (WS061309)


- Pag ang Dios ang gumanti sa 'yo at nagbayad sa 'yo, perfect 'yon. (WS061309)


- Anomang mabuting gawa, babayaran yan sa atin. Kaya we are encouraged to do good. Sa huli, sino ang ginagawan mo ng pabor? Hindi ba ang sarili mo rin? (WS061309)


- Ang paggawa mo ng kabutihan, paggawa mo yan ng mabuti sa sarili mo.(WS061309)

Tuesday, April 14, 2009

Minsang Sinabi ng Pantas (part 5)



- Tuwing tayo ay gagawa at magnanasa ng mabuti, expect natin, hahadlangan tayo ni satanas dahil ayaw nya na tayo ay gumawa ng mabuti.



- Ang sa Dios, nakikinig ng salita ng Dios, hindi puwedeng ang pakikinggan ng isang lingkod ng Dios ay ang demonyo.

- Ang lingkod ng Dios, alam ang tinig ng kanyang Dios, ang tinig ng kanyang pastor; kung asan si Kristo, nandoon din s'ya.



- Kung ikaw ay lingkod ng Dios, pagkagising sa umaga alam mo na ang mahalagang dapat gawin… luhod agad upang magpasalamat sa Kanya.. Gagawa muna ng gawaing ukol sa Dios sa umaga, hindi inuuna ang pagkain.



- Sa komunidad ng Dios, dapat una muna ang paggawa, tsaka na ang pagkain.



- Ang isang bagay na mahalaga sa ’yo, you don't just ignore it.



- Ang katuwirang naririnig natin dito ay incomparable sa mga existing na samahan ngayon… awa ng Dios sa atin yan.



- Pag may pagkakataon tayong makinig... makinig tayo.



- Alam mo na ang bagay na makakapagpagulo ng isip mo, ireject mo na sa umpisa pa lang.



- Pag-isipan mo ito: Ang Dios binigyan ka ng ginto't pilak at kayamanan… tapos ang ginto at pilak na yon ay gagawin mong dios-diosan mo?



- Wag nating asahan na sa paggawa ng mabuti ay laging smooth sailing... i-expect natin na may makakasalubong tayong paghadlang at gagawa pa sa'yo ng kasamaan. Pero dahil sa pagtitiwala natin sa Dios na nagsasabi na wag tayong mapagod, hindi natin kailanman dapat talikdan ang paggawa ng mabuti na utos sa atin.



- Ang pagtitiwala sa Dios ay pagpapatuloy ng paggawa ng mabuti; Ang pagpapatuloy ng paggawa ng mabuti ay katunayan ng ating pagtitiwala sa Dios.



- We can never tell kung bukas andito pa tayo, kaya habang tayo ay may buhay, samantalahin natin ang pagkakataong binibigay sa atin ng Dios.. ang Dios ay hindi mapagpaliban.. s'ya ay mapagpahinuhod.



- Ang paggunita sa Dios ay isang gawaing lagi ng Kristiano.



- Kung ang Dios ay nagpapahinuhod pa at kung hanggang sa pagkakataong ito ay hindi pa bumabalik si Kristo, ito ay isang opportunity upang magawa natin ang dapat nating gawin.



- Habang tayo ay may buhay, may bagay tayong pinaghahandaan; ito ay yung para sa darating. Kung tayo ay mamatay, kung hindi man tayo aabutang buhay ni Kristo ay makalakip tayo sa buhay na mag-uli… WE CAN NEVER TELL MGA KAPATID.



- Kung lingkod tayo ng Dios, wala tayong ‘di ipagpapasalamat sa Kanya.



- Atin ba ang buhay natin? Kung hindi sa atin, dapat alam natin kung paano natin gugugulin ayon doon sa kagustuhan ng nagbigay sa atin…wag tayong tumulad sa marami na hindi nila nalalaman ang dapat nilang gawin.



- Pagtibayin natin sa ating puso ang evangelio na ating narinig. Ito ang dapat maging matibay sa ating mga puso. Dahil naniniwala tayo na tayo ay nasa loob ng Iglesia hindi dahil sa kanino pa man.



- Everytime na may magkakasala sa ‘tin, ang dapat nating isipin, opportunity ito para tayo ay patawarin rin.



- Ang lingkod ng Dios nahihirapan man ay masaya pa rin. Maglingkod tayo ng may kasayahan.



- Kung pumili tayo na magpasakop at pumailalim sa kautusan ng Dios. Kung ano ang saway ng Dios, 'yon ang gawin natin. MAGPADIKTA TAYO SA DIOS. Kung ang magdidikta sa'yo ay alam mong mabuti at hindi ka dadalhin sa mali, hindi ka ba magpadikta?



- Napaka-relevant ng pakikinig; for so long na alam mong mabuti ang pakikinggan mo, hindi ka maliligaw. Pag nagkamali ka ng pakikinggan, yan ang magiging kapamahamakan para sa'yo.



- Pag ang pag-uusap ay pakikinig, walang mas lalong maiging pakinggan maliban sa salita ng Dios, dahil kung ang Dios ang pinakinggan mo, hindi ka maliligaw, hindi ka mapapahamak. Hasain natin mga kapatid, H’WAG TAYONG MAGSIPUROL SA PAKIKINIG.



- Hindi dapat ipagsapalaran ang kaligtasan sa pakikinig sa mga wari'y nagsasabi ng totoo.



- There is something in you who is listening while you are reading. Pag nagbabasa tayo, there should be that someone who listens. May ibang tao sa atin na makakapakinig ng binabasa natin. There is something in us na mismong ang sarili natin ay pinagsasabihan nung pagkatao na un.



- Ang paggugol ng ating mga buhay ay dapat nasa pagkatakot sa Dios at sa pagtupad ng utos… dahil we can never tell, hindi natin alam kung bukas ay buhay pa rin tayo…



- Ikalilinis ng ating puso ang paglayo sa masasamang pita na nasa atin. Lahat ng tao ay meron nyan, pero ang nagbibigay ng pagkakaiba sa isang Kristiano ay alam nyang manipulahin ang kanyang laman.. kaya natin kontrolin.



- Let us behave, think, move, do things as Christians. The word Christian is sufficient.

Ang Kristiano ay may respeto sa Dios, sa aral, sa kapwa, sa sarili.



- The days of our youth can be the most memorable and useful days of our lives.



- The youth wasn’t meant by God to be spent in worldly pleasure. As it is written, remember thy Creator in the days of your youth. The best days to serve our Creator is during our youth.



- Spend your youth in acknowledging and serving our Creator and understanding His purpose for making us. Life is even more enjoyable if you know your purpose. Life is very important when used with God's purpose. Life is meaningless without it.



- Hindi natin pangunahing batayan ang panaginip, kundi ang aral. Ang panaginip ay binibigay para maging guide ng isang tao sa dapat nyang gawin..minsan ang panaginip ay nag-aaugment sa aral.



- Ang prinsipyo ng pagiging Kristiano - lumalayo sa bawat kalikuan.



- Makipagkaibigan kayo para makahatak sa Iglesia, hindi para kayo ang mahatak sa kalikuan.

- Whoever may get mad at you, as long as you stand still with the principles and teachings, as long as you’re sure what you do is God's will… we are not men pleasers, we have to please our God and our Lord.



- Yung mga bagay na ginagawa ngayon, tignan natin ang kaugnayan hindi lang dito sa lupa, kundi sa langit. Mahalaga na ang ating pinagpupursigihan ay ang mga bagay na panglangit hindi ang mga bagay na panglupa.



- Bilang Kristiano, we have to grab the opportunity na makagawa ng mabuti. Wag nating maging ugali na palagpasin ang chance na gumawa ng mabuti… tomorrow may not come, hindi natin masasabi kung bukas ay buhay ka pa.



- Everything must be done with care. Dapat careful tayo… hindi dapat tayo sige lang ng sige. Dapat sa lahat ng ating paggawa smooth... dahil sa ating mga paggawa, laging may gustong humadlang.



- Sa lahat ng ating paggawa, i-recognize natin ang Dios. Kilalanin naitn S'ya at iukol natin sa Kanya ang ating mga paggawa, i-dedicate natin sa Kanya. After all, alam naman natin na kung iuukol natin sa Dios ang ating paggawa, that is one of the secrets para matatag ang ating mga panukala. Pero pagkatapos ay mga alipin pa rin tayo na walang kabuluhan. ITO ANG TAMANG HUMILITY.



- Ang tamang pagpapakumbaba ay ang pag-acknowledge na tayo ay walang kuwenta sa harap ng Dios. We must always remember that we are nothing without Him.



- Huwag nating maging pattern ang mga gawa ng mga taong nagsipaggawa ng mga bagay na masama.



- Dapat ang iniingatan ng isang tao sa kanyang puso ay ang salita ng Dios, hindi yung kung paano ka puwedeng magsamantala sa paggawa ng masama. Dios ang nakakakilala ng ating puso, hindi natin ito puwedeng ilihim at pagtakpan.



- Pigilin natin ang ating mga sarili, iwan natin ang gawaing sa labas.



- Ipakita nating ang samahan at kapatiran sa Iglesia ay iba.. maghatakan tayo sa mabuti. Magpaalalahanan tayo sa isa’t-isa, magmalakasakitan. Hindi magkunsintihan sa mali, kundi tayo ay lumakad sa aral ng Dios.



- Ang ating mga kabuhayan ay nagsasalita at sa pamamagitan nito ay makikilala nila ang Dios na ating sinasampalatayanan.. kailangang lumiwanag ang ating mga ilaw. Kailangan natin ipakita sa ating paligid na ang naturuan ng Dios ay may ginagawa sa kanyang buhay. I-achieve natin ang kasakdalang gusto ng Dios sa atin.



- Huwag sana ninyong hamakin ang katulong, tandaan ninyo.. ang kat’wiran ng Dios ay galing sa mga katulong, ‘yon ay galing kay Moises na slave sa Egypt, pero naging marangal na tao ang Israelita.



- Huwag tayong manood lang.. maging bahagi tayo ng labang ito hanggang sa dulo. Dahil naiintindihan natin kung ano ang ginagawa na 'yon.. hindi pa rin ba natin ibibigay ang buo nating pagsuporta?



- Ang lingkod ng Dios mapagpatuloy at kung magpapatuloy tayo, meron tayong dapat ma-attain. Hindi tayo basta magpapatuloy lang… kundi dapat tayo ay magpatuloy na gumagawa.



- Ang lingkod ng Dios masipag. Pero hindi lang tayo dapat gawa ng gawa, dapat masikap at dapat ang pinagsisipagan natin ay ang paggawa ng kabanalan... idagdag din natin sa ating pananampalataya ang kagalingan.



- You cannot be excellent if you do not know.



- Hindi natin puwedeng sabihin na sumasampalataya tayo pero hindi tayo marunong gumawa.



- Sa isang naglilingkod sa Dios, ang libangan ay paggawa ang mabuti.



- Kahit anong effort ang gawin mo, kung wala ang paggawa ng espiritu, hindi mo kakayanin... hindi talaga magagawa ng mag-isa lang ng tao.. kaya dapat makagawa sa ’yo ang salita… mangyayari lang ito kung tatanggapin mo ang Salita ng may kaamuan.



- Hindi natin kayang ingatan ang ating buhay.



- Pag ang tao sumasampalataya, ang salita ng Dios ay gumagawa sa kanya.



- Itanong natin sa sarili natin…ang paglilingkod ba natin sa Dios ay kung saan convenient lang sa atin? Kaya nga laging may lakip na pagtitiis ang paggawa ng kalooban ng Dios at kung sumasampalataya ka, gagawa sa ’yo ang salita ng Dios.



- Bakit mo pagpapahalagahan ang ibang mga bagay kaysa sa pagkakatipon, sa pagsamba at pagpapasalamat sa Dios? Bakit pagpapahalagahan mo ang ibang bagay na wari ay mas higit sa paglilingkod sa Dios?



- Ang salita ng Dios ay isang bagay na kahit na ikaw mismo ay tatamaan, kailangan mong sabihin. Hindi tayo gaya ng iba na sasabihin lang ang gustong marinig.



- Sa sumasampalataya, tumatagal sa kanya ang salita ng Dios.



- Pag matigas ang ulo mo, ikaw ang magdadala nyan… Ang kaligtasan mo ba nakadepende sa nakikita mo? Mapagsamantala ka nyan sa masama! Kung nakakita ka ng isang tao na hindi sumusunod.. gagayahin mo?



- Pag ginagawa mo mula sa puso ang pagsunod.. hindi ka lang gagawa sa may nakakakita.



- Ang mga banal, may ginagawa at may pananampalataya.



- Kung gusto mong humaba ang buhay mo, sumunod ka, at tumalima ka sa Panginoon.



- In every way, God wants to save us.



- Kailangan bang humingi pa ang kapatid sa atin? Sabi sa Biblia, kung sino man ang may pag-aari, nakikita mo ang pangangailagnan ng kapatid mo, kailangan pa bang humingi ng saklolo sa'yo? Sa mga pagkakatipon, maraming opportunity para makagawa tayo ng mabuti sa kapatid.


- Ang buhay puwedeng ibigay sa kapatid ng dahil sa pagibig.

Thursday, November 27, 2008

Paalala ni Kuya...



Lagi nating tatandaan sa tuwing may gagawin tayo tapos may sabit, isipin mo kaagad bakit nagkaganun.

Ito ang mga bagay na nakakahadlang; baka naman may iba kang motibo, o kaya may masama kang ginagawa, o kung hindi naman, nagtitiwala ka sa ginagawa mo.


Pagka ganyan tayo, hindi nga magiging maganda ang resulta, kaya dapat tuwing gagawin natin ang isang bagay, dapat alam natin ang ating intensyon, at ito ay maging maliit na kasangkapan ng Dios alang-alang sa kaligtasan ng ating kapwa.


Always say a little prayer to Him.

Bago ka gumawa lagi mong iusal sa Kanya, Panginoon, bahala Ka na po... kung di naman dahil sa 'Yo di ko magagawa ito.


Sometimes you have to be alone, but i don't feel alone... kasi alam kong kasama ko ang Dios.

When you talk, God listens, when you stop talking, God speaks, and you'll listen.


Kaya nga minsan, nararamdaman ko na kinakausap Niya ako. Pakiramdaman mo pag nag-iisa ka.

Mararamdaman mo na lang na kinakausap ka ng Dios, yung mga salita Niya laging magbibigay ala-ala sa atin.


Habang may problema ka, lalo mong ilapit ang sarili mo sa gawain, kasi kung magpapaapekto ka at lalayo, makakasalubong ka pa ng mas mabibigat na problema, makikita mo na lang na lubog na pala yung dalawang paa mo at lalo ka pang mababaon.

Kaya kapag may problema tayo, mas lalo nating ilapit ang ating sarili sa Dios.




AUGUST 2003

Tuesday, November 18, 2008

Minsang Sinabi ng Pantas (part 4)



- Walang ibang mapagkukuhanan ng mga bagay na ikatututo na masasabi natin na ito talaga ang prinsipyo ng Dios, maliban doon sa Biblia.


- Dapat ma-realize natin, the moment na meron tayong maipagmamalaki, may kasaganaan, may kapangyarihan, d'yan tayo tinuturuan na mas lalong maging humble. I-acknowledge natin na hindi ito galing sa atin kaya huwag nating ipagmapuri... dahil alam natin kung kanino ito galing. Ito na ang time natin para maipagpasalamat ito at nalalaman nating Dios ang gumagawa ng mga bagay na ito... Sa pagkakataong ganoon ay natutuwa ang Dios dahil nare-realize natin ang Kanyang mga gawa sa ating buhay.


- Napakayaman ng kabutihan ng Dios.. minsan nga lang hindi natin masyadong napagpapahalagahan...


- Ang buhay iginugugol dahil sa katwiran, hindi yan iniingatan.


- Christian faith doesn't only deals with material things in life.. we also deal with the after life.. there is a more important place for us prepared by God in eternity..


- Kahit bingi, bulag, o normal, gawa lahat yan ng Dios kaya hindi natin dapat maliitin, o isiping unfair.


- Gusto ng Dios na matutunan natin na magawa sa pag-ibig ang ating mga ginagawa.. hindi pakunwari, hindi balat kayo - dahil ang Dios din ay gumagawa sa pag-ibig.


- Matuto tayong umibig hindi lang sa mga umiibig sa atin- Ito ang diwa ng Dios na gusto Nyang matutunan natin dahil ganon din gumawa ang Dios.


- Kahit na pinaka aba pa tayo sa paningin ng tao, kahit napaka-kawawa.. dapat natin marealize, yung mere existence na natin ay dahil sa Dios.


- Kaya tayo ay nag-exist para mai-share sa atin ang kaluwalhatian ng Dios.. hindi ba pag-ibig ito ng Dios sa atin? Hindi lang naiintindihan at nakikita ng iba.. may mga nagwawalang bahala sa mga gawa ng Dios at sa layunin Nya ng paglikha sa atin.. pero dapat maintindihan natin na we were created to be loved at makashare.. ang pagkalikha lang sa atin, may opportunity tayo upang tayo ay mahalin ng Dios.


- ang pag-ibig ay isang everlasting virtue na hindi dapat mawala sa mga kapatid.. hindi mapalitan. Utos ito... dahil minsan, may ibang mga napalitan na ang kanilang pag-ibig, naibaling sa mga bagay ng sanlibutan.


- Kailangan ibigin natin ang Dios ng buong puso at kaluluwa natin para tayo ay maging compatible sa pag-ibig Nya.


- Your existence is a chane given to you by God to be with Him in eternity.


- Huwag natin kalimutang magpakita ng pag-ibig sa isang hindi natin kakilala, maaaring ang mga naglilimos sa daan ay mga anghel ng Dios. Maaaring dumating sila sa ating upang subukin kung tayo ay nakakasunod sa aral.


- Ang paggawa ng mabuti ay ang pampaskdal sa tao ng Dios.


- Ang sunrise, sunset at lahat ng mga nasa paligid natin. Pagmamahal sa atin yan ng Dios. Lahat yan para sa tao at hindi natin dapat ipagwalang bahala.


- Dapat mahal natin ang giangawa natin at pag mahal natin ang ginagawa natin, MAGAGAWA NATIN YUNG THE BEST.


- Yung pagkakataong binigay sa iyo ngayon upang gumagawa ng mabuti. Gawin mo na NGAYON. Kung ipagpapabukas mo pa ang paggagawa non, swerte mo kung magkaroon ka pa ng pagkakataon bukas. Yung pagkakataong magkakaroon ka bukas, hindi na 'yon gaya ng pagkakataong ibinigay sa 'yo ngayon.


- Tumakbo tayong nakikipagbaka at iniingatan ang ating pananampalataya.


- May mga paraan para tayo ay mapatawad. Dapat tayo ay magpatawad din. Para tayo ay bigyan, magbigay rin tayo. Iniibig ng Dios ang nagpapatawad. Pinapatawad ng Dios ang nagpapatawad. Kinaawaan ng Dios ang naawa. Pag nagtitiis tayo, pagtitiisan rin tayo ng Dios. Pag nagbibigay tayo, bibigyan ka rin Nya. Hindi ka lang nya bibigyan, mamahalain ka pa Nya dahil iniibig ng Dios ang nagbibigay ng masaya. Pagisipan natin ito.


- Kung nainiwala ka na ikaw ay malakas, e sino ba ang puwedeng umalalay sa mahina? Diba ang malakas? Thats the only way na mapapakinabangan nila ang lakas mo, ang pagalalay sa kanila na mahihina. Dapat ma-realize ng malakas na may pupunuan syang mahina. It should compensate ng kakulangan ng isa.


- Ang pag-ibig natin, nakakapagtakip ng kasalanan. Pag may pag-ibig, you tend to forget so many things, kahit na nasasaktan ka, dahil sa may pag-ibig ka, napapalagpas mo 'yon.


- May mga bagay na hindi na kelangan nang ipaliwanag ng minor details para sundin, ganon ang may pananampalataya. Hindi kelangang naiintindihan natin ng buong-buo, basta ang isipin natin, sa ikabubuti lahat ng sinasabi sa atin.


- Tayo ay mas dapat na magpahalaga sa mga bagay na pang espiritual.


- Kahit na bata ang nagsasabi ng isang bagay, may matututunan ka doon.


- Kapag naiiyak ka sa mga awit ng ukol sa espiritu, ibig sabihin kinakausap ka ng Dios.


- Ginagawa mo na rin lang, gawin nang may pusong malinis sa harap ng Dios, para maging karapat-dapat, para hindi rin masayang.


- Itanggi natin ang atin sarili para sa kapanganan ng nakararami, hindi lang ng sa atin. Ito ang essence of living. Kung papaano tayo dapat mabuhay at kung bakit tayo nabubuhay. Dapat alam natin kung para saan ang buhay natin.


- Ang paggawa ng mula sa puso, nagmamanifest 'yon. Ang puso ay kasama sa paggawa. Pag ginagawa mo ang isang bagay na hindi mula sa puso, ang tawag sa yo ay pretender. Kung gagawa tayo, gawin natin ng may pusong malinis, huwag ng pusong mapagpanggap.


- Napakahalaga sa isang tao ang pagiging sincere, lalo na sa paglilingkod sa Dios, hindi naman natin sya puwedeng pagtaguan e.


- Being linient is being compassionate. Being compasionate is being linient. Sometimes we observe liniency because of compassion. Minsan hindi na nilalagyan ng kamay na bakal ang pagpapatupad dahil sa awa, dahil sa pagpapataan sa kapwa.


- Kesa ibang bagay ang matandaan natin, mas magnada na ang ating natatandaan ay ang mga banal na kautusan ng kasulatan na syang lagi nating kasama at syang tanglaw na daan. Pagsikapan nating huwag itong mawala o maiwaglit. Dahil isa ito sa pinagpapagalan ng mangangaral ng Dios, ng sugo ng Dios. Dahil itong mga bagay na ito ang ating ikapagiging dapat sa Dios, pag may naiintidihan tayong mga katwiran, it adds life sa ating mga paggawa. Ang ating survival ay naka batay sa mga aral na ating napapakinggan. Para tayo ay makapagpatuloy sa ating paglilngkod sa Dios. Dahil hindi naman uubra na hindi tayo magpapatuloy. Kung ikaw ay isang Kristiano, QUITTING IS NOT AN OPTION. Naiintindihan ng Kristiano na ang pag atras ay hindi magbubunga ng kanyang kaligtasan. Ang isang lingkod ng Dios na nabubuhay sa pananampalataya, hindi option sa kanya ang pagbitaw, ang pag atras at pagtalikod.


- Ang lider na sa Dios, nagpa-practice ng liniency, ng compassion at human consideration. maaring ang kapatid ay nagkulang sa isang bagay, hindi dapat na parang may pagka-panginoon sa pangangasiwa, hindi strikto palagi, nagbibigay ka ng unawa sa mga nagkakamali, hindi tayo parang may pagka-panginoon sa pinangangasiwaan.


- Mas bigyan natin ng panahon, hindi yung mga propesyon na sinabi ng mga matatalinong tao sa sanglibutan. Ang katwiran na nasa bibilia, yung aral ng Dios - ito ang mas higit nating maingatan at dapat nating mataglay sa ating mga puso, dapat ang binubulay-bulay natin sa ating mga kalooban. Ang nagfa-flash sa memory mo sa bawat paggawa ay yung mga nakasulat sa Biblia na mga salita ng Dios.


- Every time na may naririnig tayong katuwiran, nae-edify tayo sa ting pananamapalataya, sa pag-asa, sa ating mga tinitignan sa hinaharap. Doon sa hahantungan ng mga naglilingkod sa Dios.


- Ang perfect ang kumukumpleto doon sa imperfect. Dapat marealize ng malakas na may pupunuan syang mahina, it should compensate ng kakulangan ng isa.


- Kung napag-papataanan natin ang nasa labas, mas dapat na mapagpataanan mo ang mga nasa loob.


- Sa pagkakataong may titiisin ka, that gives you the chance na magtiis.

Thursday, October 30, 2008

The adventures of Lois and Clark - on a different perspective (Kuya Daniel)


Yung sa palabas na superman (The adventures of Lois and Clark), si Kent, nakikita ko sarili ko sa kanya, kasi reporter din sya, nagwowork sa daily planet, ito yung sa adventures of Lois and Clark. Merong mga bagay na hindi nya masabi sa iba, yung kung papaano sya tumatakas, umaalis in the middle of a conversation dahil sa may naririnig syang humihingi ng tulong.. nakikita natin don na minsan, sinusubok yung kakayanan nya, parang pinagsabay-sabay ng kalaban nya yung instances na may humihingi ng tulong, pero dahil hindi naman sya pwedeng sabay-sabay na nasa isang lugar, kahit na si superman din sya, may pagkakataon hindi nya maabot yung iba at matulungan… kahit gaano man nya kagusto na matulungan ang mga tao na yun.


Somehow sabi ko, well, isa lang ang paliwanag don… dahil hindi ka naman Dios e.. sa isang banda, merong makikitang deeper than that na nakakatulong din sa’kin para maalala yung mga bagay na tinuturo ni Bro Eli.. I see to it na makita yung malalalim na mga bagay, at maalala yung mga aral na tinuturo sa atin.. ang tawag don mnemonics – ginagamit para maalala yung isang bagay. Parang gumagawa ka sa sarili mo ng way para mai-remind ang sarili mo sa isang bagay na gusto mong maalala. Sa mga ganong pagkakataon, ang sagot ko lagi eh hindi naman tayo Dios na magagawa nating matulungan all the time yung mga humihingi ng tulong sa atin. Ang magagawa lang natin is to give the best of our abilities sa tulong ng Dios para makapagsilbi tayo sa tao, sa kapatid, sa pwedeng matulungan.. magawa natin ang pwedeng magawa.. but at the end of the day.. mare-realize natin na meron pa ring mga bagay na hindi natin nagagawa… dumadating yung pagkakataong nagkukulang tayo… gaya nung last na pagkakatipon.. yung tekso na kung alam natin gamitin yung kasalanan.. yung makikita natin on a different perspective na ginagamit ng kaaway yung kasalanan para ipahamak tayo, pero kung maikita natin yung kung paanong gusto ng Dios na makita natin na magagamit natin para lumakas tayo.. kaya nga sabi ni Pablo.. kung ako’y mahina, ako nga’y malakas (II Mga Taga-Corinto 12:10), sa pagkakataon na marerealize natin ang weaknesses, don lalo nakikita ang kadakilaan ng Dios. Ang greatness ng lumikha sa atin.


Marahil kung di dahil sa mga pagkukulang na yun, baka nagpalalo na rin tayo.. kaya nga sinasabi ko sa inyo na si Superman, kathang –isip lang na pwedeng kung titignan natin sa isang pananaw, maaaring makapagpaalala sa atin ng ibang bagay.. lalo natin mapagtibay ang salita ng Dios sa puso… sya nga created lang ng gumawa sa kanya – malakas, nakakalipad, may abilities na wala sa iba.. pero may pagkukulang pa rin sya.. may weaknesses. Gaya rin namin.. hindi naman kami iba sa inyo.. ni hindi nga kami si Superman.. tao rin kami, gaya ninyo… may kahinaan.. may pagkukulang. Pero ang tiwala natin nasa Dios.. yung magtitiwala tayo sa Kanya at bubuuin natin sa sarili natin yung paniniwala na pag Siya ang katulong natin, makakapagtagumpay tayo, yung paniniwala na ang Dios ay mabuti, ang kanyang kagandahang loob ay magpakailanman…


Sana isama nyo kami palagi sa panalangin nyo… hindi madali e... minsan mahirap din yung lipad sa gitna ng maraming kryptonite...

Merong isang episode, may sinubukan si Superman na iligtas pero pag niligtas nya, sya naman malalagay sa piligro.. pero sa huli, pinili pa rin nyang iligtas yung tao… naalala ko si Bro Eli. Sa maraming pagkakataon nalagay sya sa alanganin.. hanggang ngayon, nakalagay pa rin sya sa alanganin para lang makapagligtas… kaya sana wag nyo syang kakalimutang laging ipanalangin sa Dios..



(November 21, 2006 - MMC's online meeting with kuya)